Sa kabila ng masamang panahon, hindi naging hadlang ang ulan upang gunitain at bigyang-pugay ang ika-119 Anibersaryo ng Kapanganakan ng yumaong Pangulong Ramon F. Magsaysay, isang lider na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa kanyang pagmamahal sa bayan at malasakit sa karaniwang Pilipino.
Idinaos ang paggunita sa Ancestral House of Ramon Magsaysay, na sinundan ng Banal na Misa at Laying Ceremony bilang pagbibigay-pugay sa kanyang buhay, pamana, at paglilingkod sa bansa.
Kasabay rin nito ang Launching of โM2: Magsaysay and Macapagal in the Arena of International Diplomacyโ Exhibit, isang makabuluhang pagtatanghal na nagbibigay-liwanag sa ambag nina Pangulong Ramon Magsaysay at Pangulong Diosdado Macapagal sa larangan ng diplomasya at ugnayang pandaigdig.
Patuloy nating pahalagahan at isabuhay ang kanilang pamana ng tapat na paglilingkod sa bayan