The mayor of the Local Government Unit of Castillejos, Hon. Eleanor D. Dominguez, has posted an update detailing the activities of the town’s first local resident who contracted the COVID-19. The update was made with permission from the patient’s family. The full post can be read below or on OneCastillejos:
March 29, 2020
Hon. Eleanor D. Dominguez
Sa lahat ng ating kababayan,
Malungkot kong ipinapaalam na isa nating kababayan na PUI (Person Under Investigation) ay nag positibo sa COVID 19.
Siya po ay lalaki, 90 years old, malusog ang pangangatawan bago nagkasakit.
Wala siyang history ng travel, hindi rin po sila napupuntahan ng ibang tao na galing sa labas ng Castillejos.
Ang tanging ginagawa po niya ay bumili ng prutas sa palengke dahil malapit lamang ito sa kanilang tahanan.
ο March 10, nagpalinis po sila ng kanilang bakuran sa tatlong kapitbahay.
ο March 14, bumili sya ng papaya at tumaya ng Lotto sa Pamilihang Bayan ng Castillejos.
Maayos naman ang kanyang kalagayan hanggang;
ο March 16, nagkaroon siya ng sipon;
ο March 17, nagkaubo;
ο March 18, nilagnat (38degrees) may kasamang ubo at sipon.
ο March 19, sakay ng kanyang driver na kapitbahay, nagpahatid sa bahay ng doctor niya upang magpagamot subalit ang kanyang doctor ay naka-self quarantine kaya nakatanggap na lamang ng reseta, umuwi muli at binilihan na lamang ng gamot.
Subalit nang gabing iyon, nakaranas siya ng sobrang panginginig kaya naagdesisyon na dalhin na sa hospital.
ο March 20 madaling araw, nagsagawa ng interview ang Unihealth-Baypointe Hospital sa mga kasama ng pasyente, kinuha na lamang ang pasyente at inutusang umuwi ang mga kasamang naghatid.
Sa panahong nasa hospital ang pasyente, walang sinuman ang pinayagang dumalaw;
ο March 21 isinagawa ang swab test sa kanya ng hospital
ο March 22 nakatanggap ng tawag sa telepono ang anak mula sa amang pasyente at nakiki-usap sa siya ay iuwi na lamang subalit hindi ito pinayagan ng hospital.
ο March 27, sa ganap na 23:35 ng gabi ay binawian ng buhay ang pasyente .
ο March 28, 10:00 ng umaga, sakay ng Castillejos Rescue Truck, dumating ang anak upang kilalalin ang labi ng pasyente ngunit hindi binigyan ng pagkakataon na ito ay malapitan.
Ginawa ang pagkilala sa pagitan ng salamin at agad na itong kinuha ng punerarya, dinala sa crematorium sa Olongapo at inilagi ang kanyang abo sa Crematorium sa Olongapo.
ο March 29 ng hapon, lumabas ang resulta at ang pasyenteng namatay ay nag positive sa COVID.
Agarang ginawa ang Contact Tracing at Briefing ng ating Task Force at inilagay sa Strict Home Quarantine ang kanyang kasambahay at driver na kanyang nakasama maging ang pamilya nito.
Agad din po nating inutos ang Extreme Enhanced Community Quarantine sa lugar at paligid kung saan nakatira ang pasyente at kanyang mga nakasalamuha.
Magsilbi po itong babala sa lahat na sumunod sa mga kautusan na ipana-iiral ng Enhanced Home Quarantine.
Ang atin pong pumanaw na kababayan ay hindi nagkaroon ng kahit anong pagkakataon na nakisalamuha sa kahit sino na mula ng labas ng Bayan ng Castillejos, nangangahulugan po na meron na pong local transmission na maaring dumapo kanino man.
Ang lahat po ng ating volunteers, frontliners at ang lahat ng mamamayan ay lalong nalalagay sa dobleng kapahamakan dahil sa pagwawalang bahala. Dobleng pag-iingat po ang kailangan upang hindi na po ito masundan.
Pinapaigting po namin ang paghihigpit ng lahat ng lugar sa buong bayan. Mahigpit din po nating babantayan ang paggamit ng ONE TIME PASS at ipapatupad ang EXTREME ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE sa lugar na apektado.
Ang sinumang lalabag ay may katumbas na parusa ayon sa Republic ACT 11332.
Magtulungan po tayo at Nawaβy gabayan tayo ng Poong Maykapal.
Municipal Mayor
