Isa sa pinaka inaabangang bahagi ng Castillejos AKO Festival, matagumpay na ginanap ang Street Dance Competition na nilahukan ng ibaโt ibang barangay!
Nagbigay sigla at kulay sa mga lansangan ang bawat grupo sa kanilang makukulay na kasuotan at sabayang galaw. Ipinamalas nila ang husay, disiplina, at pagiging malikhain, kung saan bawat pagtatanghal ay may kwentong sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng kanilang barangay.