A post on the official Facebook page of the Local Government Unit of Castillejos, OneCastillejos, broke the news. The town’s first positive case of COVID-19 was a 90 year old local resident with no travel history outside of the municipality. The patient was brought to the Allied Care Experts Medical Center – Unihealth Baypointe Hospital at the Subic Bay Freeport Zone on March 20 after exhibiting symptoms associated with the disease. A swab test was performed on March 21 but the patient passed away on March 27. The test result, which came back positive, was released on the afternoon of March 29.
Contact tracing is being performed on the people the patient has interacted with and a total lock down has been ordered on the vicinity of the patient’s home.
As of this writing, the patient is already the third positive case of COVID-19 in Zambales, and the first confirmed death. (INQUIRER.NET)
Below is the official statement of the Mayor of Castillejos, Hon. Eleanor D. Dominguez:
Ang Castillejos Task Force COVID 19 na pinamumunuan ni Kgg Eleanor D Dominguez ay nagtala ng kauna-uanahang kompirmapong kaso ng COVID 19 sa Bayan ng Castillejos.
Hon. ELEANOR D. DOMINGUEZ
Ang pasyente na may edad 90 taong gulang, Filipino, lalaki, ay isa sa mga Persons Under Investigation (PUI) ngunit walang history ng pagbiyahe sa anumang lugar na may COVID 19.
Noong March 20, 2020, siya ay dinala sa Allied Care Experts Medical Center – Unihealth Baypointe Hospital sa Subic Bay Freeport Zone dahil sa lagnat, sipon, ubo at hirap na paghinga.
Sumailalim sa Swab Test noong March 21 sa hospital ngunit pumanaw noong March 27, 2020 sa ganap na 11:35 ng gabi.
Agad isina-ilalim sa cremation ang pasyente sa Olongapo Crematorium ng 11:00 ng umaga ng March 28, 2020 upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.
Kinumpirma ngayong March 29, 2020, alas-2:00 ng hapon ng ating Provincial Health Officer, Dr Noel Bueno na nag-positbo sa COVID 19 ang pasyenteng pumanaw.
Masinsin na pong ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ang Contact Tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente at mahigpit na binabantayan ang kondisyon ng mga ito.
Magsasagawa ng โDisinfectionโ ang lokal na pamahalaan at magpapatupad ng โTotal Lockdownโ sa paligid ng tirahan ng pamilya.
Muli po naming ipinapa-alaala sa lahat ng ating kababayan ang mahigpit pagsunod sa ipinapatupad na Home Quarantine Measures para po sa inyong kaligtasan.
Panatilihin ang kalinisan, sumunod sa ipinapatupad na Social Distancing at mga alintuntunin ng barangay sa One Time Pass.
Mahigpit din po naming ipinapa-alala na ang Castillejos Task Force COVID 19 lamang ang tanging pagmumulan ng opisyal na pahayag tungkol sa kalagayan ng ating bayan upang maiwasan ang โFake Newsโ.
Katulad ng ating ginagawa mula sa simula, ang lokal na pamahalaan ay mananatiling transparent sa lahat at patuloy na ipapa-alam sa lahat ang tamang impormasyon sa mamamayan ng Castillejos.
Umaasa po kami sa patuloy na pakiki-isa ng lahat.
Municipal Mayor
